^

Probinsiya

Bus at truck nagsalpukan: 2 dedo, 15 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bus at truck nagsalpukan: 2 dedo, 15 sugatan
Sa lakas ng banggaan, parehong wasak ang unahang bahagi ng dalawang sasakyan at tumalsik palabas ang driver ng truck na kinilalang si Ricky habang naipit naman sa manibela ang driver ng bus na si Dante na parehong agarang nasawi.
STAR/File

POLANGUI, Albay, Philippines — Kapwa dead-on-the spot ang driver ng refrigerated van truck at bus habang mahigit 15 katao ang sugatan matapos magsalpukan sa kahabaan ng Maharlika National Highway ng Purok-5, Brgy.Balangibang, Polangui, Albay kahapon ng hapon.

Sa lakas ng banggaan, parehong wasak ang unahang bahagi ng dalawang sasakyan at tumalsik palabas ang driver ng truck na kinilalang si Ricky habang naipit naman sa manibela ang driver ng bus na si Dante na parehong agarang nasawi.

Mabilis na rumesponde ang mga kasapi ng MDRRMO-Polangui, Bureau of Fire Protection at Polangui Municipal Police Station at isinugod ang mga 15 sugatan na mga pasahero ng bus.

Sa ulat, alas-4:20 ng hapon magkasalubong na binabagtas ng refrigerated van truck na may plakang CBS-6417 na kargado ng yelo at patungo sa direksyon ng Sorsogon City habang patungo naman sa Metro Manila ang Bobis Liner bus na may body number 5908 at plate number EVP-942.

Pagdating sa naturang lugar, biglang pumutok ang gulong sa unahang bahagi ng truck kaya nawalan ito ng direksyon na napunta sa kabilang linya at malakas na bumangga sa kasalubong na bus.

Tumalsik palabas ang driver ng truck at bumagsak sa sementadong kalsada habang umabot ng mahigit isang oras bago nakuha ang katawan ng driver ng bus.

Dinala naman ang mga sugatang pasahero ng Bobis Liner sa Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital sa Ligao City at iba pang pagamutan habang ilang pasahero ang hindi na nagpadala sa pagamutan dahil sa minor injuries lamang ang kanilang tinamo.

Matinding traffic naman ang sumalubong sa mga bumibiyahe sa magkabilang lane dahil sa aksidente at ginagawang reblocking kaya nagkaroon ng rerouting.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with