P5.3 bilyong ilegal na droga, sinunog sa Cavite

CAVITE, Philippines — Sinunog sa pamamagitan ng mahigit sa 1,000 degrees na init sa Integrated Waste Management Inc na matatagpuan sa Brgy. Aguado, Trece Martires City ang may mahigit sa P5.3 bilyong halaga ng mga illegal drugs, kahapon ng umaga.
Ang iba’t ibang klase ng droga na sinunog ay mga nakumpiska sa sunud-sunod na operasyon ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buong National Capital Region (NCR) na kinabibilangan ng may 2,227.7584 kilograms ng mga solid illegal drugs habang 3,447.0920 milliliters naman sa mga liquid drugs.
Ayon kay Usec. Isagani Nerez, ito ang kauna-unahan niyang pagdalo sa pagwasak ng mga bultu-bultong droga simula nang siya ay maitalaga bilang director general ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kinabibilangan ito ng may 738.2005 kilograms ng shabu, 1,478.4915 kilograms ng Marijuana, 4.8668 kilograms ng Mdma O Ecstacy, 39.2168 grams ng Cocaine, 2.2116 grams ng Toluene, 6.1516 grams ng Ketamine, 5.5100 grams ng Phenacetin, 1.0400 grams ng LSD, 2,000 ml ng liquid Cocaine, 49.0420 ml ng liquid Meth, 1,398.05 ml ng liquid Marijuana at iba’t ibang uri ng mga expired ng medicines.
Kasama rin sa mga sinunog ang nasabat sa Port of Manila nitong Enero 23 ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, NBI at Bureau of Customs (BOC) na nasa 404.9515 kilong shabu.
- Latest