^

Probinsiya

Magsyota nag-swimming sa talon, patay!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Magsyota nag-swimming sa talon, patay!
Magkasunod na natagpuang patay ng mga emergency responders, makalipas ang ilang oras na search operation, ang 28-anyos na online selling delivery rider na si Christian Pederiso at nobyang si Jessa Mae Huesca, 24-anyos, isang guro sa Mary Land School Incorporated, parehong residente ng Barangay Paraiso sa Koronadal City, kabisera ng South Cotabato province. 
File

COTABATO CITY, Philippines — Patay sa pagkalunod ang magkasintahang naliligo sa Millennium Falls sa Barangay Cacub, Koronadal City nang biglang tumaas ang antas ng tubig sa kanilang kinaroroonan kasunod ng malakas na ulan sa kapaligiran nitong Lunes.

Magkasunod na natagpuang patay ng mga emergency responders, makalipas ang ilang oras na search operation, ang 28-anyos na online selling delivery rider na si Christian Pederiso at nobyang si Jessa Mae Huesca, 24-anyos, isang guro sa Mary Land School Incorporated, parehong residente ng Barangay Paraiso sa Koronadal City, kabisera ng South Cotabato province. 

Sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang dumating sa Purok Dam Site sa Barangay Cacub upang mag-swimming at parehong biglang tina­ngay ng tubig baha na dumaloy sa kinaroroonan nilang falls o talon na dinarayo ng mga lokal na turista.

Agad namang nai-turnover ng mga kawani ng Koronadal City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga bangkay nila Pederiso at Huesca sa kani-kanilang mga pamilya. 

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with