Ex-kagawad sa Bulacan itinumba
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Patay ang motorcycle rider na dating kagawad matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang kapwa niya rider na nakasuot ng itim na bonet sa lungsod ng Baliwag.
Sa report, kinilala ang biktimang si Leonardo, Guidote, residente at dati umanong kagawad ng Brgy. Paitan habang ang suspek na lulan ng white Yamaha Mio Sporty ay nakasuot ng long sleeves, maong pants at black bonnet.
Ayon sa report, naganap ang insidente bandang alas-5:50 ng hapon nitong Mayo 19 sa Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.
Base sa report at sa salaysay ng saksi, habang binabagtas ni Leonardo ang Guadalupe st pauwi lulan ng Honda Click ay pinagbabaril ito ng rider.
Agad na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon na umanoy gumamit ng 9mm pistol sa kanyang pamamaril na ikinasawi ng biktima.
- Latest