P6.8 milyong shabu samsam ng PDEA sa Jolo, drug dealer natimbog
COTABATO CITY, Philippines — Nakumpiska ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P6.8 million na halaga ng shabu sa isang dealer na kanilang nalambat sa Barangay Chinese Pier sa Jolo, Sulu nitong Lunes.
Hindi na pumalag ang 37-anyos na suspect, si Abdul Munim Burani Akmad, nang arestuhin ng mga ahente ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at mga pulis na kanyang nabentahan ng isang kilong shabu sa isang lugar sa Serantes Street, Barangay Chinese Pier sa Jolo, ang kabisera ng Sulu.
Kinumpirma nitong Martes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM, nakakulong na sa isang detention facility ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay Castro, kanilang naikasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakumpiska mula sa suspect ng isang kilong shabu, na may street value na P6.8 milyon sa tulong na rin ng Jolo Municipal Police Station, Sulu Provincial Police Office at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.
- Latest