^

Probinsiya

Anak ng tanod napagkamalang magnanakaw, todas sa negosyante

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Patay ang isang 34-anyos na lalaki matapos mabaril ng isang negosyante na kanilang nirespondehan dahil sa umano’y may nagtatangkang magnakaw sa garahe nito sa Barangay Gibanga ng bayang ito, kamakalawa ng gabi. 

Ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng caliber 9mm sa dibdib ay kinilala lang na si ‘Bert’, may-asawa, mekaniko habang nasa kustodya ng pulisya ang suspek na si alyas “Cris”, 51.

Batay sa imbestigasyon ng Sariaya Police, dakong alas-11:55 ng gabi, rumesponde ang biktima kasama ang kanyang amang tanod, at ang chief tanod ng barangay sa tawag ng suspek na umano’y may lalaking nagtatangkang pumasok sa kanyang garahe. 

Gayunman, nang pumasok na sa bakuran ang hepe ng tanod at ang ama ng biktima ay doon na siya biglang binaril ng suspek na nagkataong nasa hulihan. 

Nadala pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival (DOA) habang patuloy ang imbestigasyon at posibleng sampahan ng kaukulang kaso ang suspek.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with