^

Probinsiya

Bahay sinilaban ng kapitbahay: 85-anyos tusta!

Ramon Efren Lazaro - Pilipino Star Ngayon
Bahay sinilaban ng kapitbahay: 85-anyos tusta!
Sa ulat na nakara­ting kay Brig. Gen. Jean Fajardo, Central Luzon police director, kinilala ang nasawing biktima na si Rosalina Neglerio, residente ng Antonio Gerona Compound, Sitio Panaklayan, Barangay Muzon South, SJDM City, Bulacan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 85-anyos na lola makaraang ma­damay sa sunog ang kanyang tahanan nang sadyaing silaban ng naburyong na kapitbahay ang bahay nito sa Sitio Panaklayan, Brgy. Muzon South, San Jose del Monte City, Bulacan nitong Sabado.

Sa ulat na nakara­ting kay Brig. Gen. Jean Fajardo, Central Luzon police director, kinilala ang nasawing biktima na si Rosalina Neglerio, residente ng Antonio Gerona Compound, Sitio Panaklayan, Barangay Muzon South, SJDM City, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, biglang binuhusan ng varnish ng suspek na kinilalang si Bernard Celorico Corentana, kapitbahay ng biktima sa nasabing compound, ang loob at labas ng kanyang bahay at pagkatapos ay kanyang sinilaban.

Mabilis na kumalat ang apoy na kung saan nadamay ang bahay ng matanda at nang maapula ang apoy ng mga pamatay sunog ay natagpuan ang sunog na katawan ng biktima sa kanyang silid.

Agad na inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong criminal.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with