^

Probinsiya

Motor salpok sa kasalubong na trak: 3 patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Motor salpok sa kasalubong na trak: 3 patay!
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Robin Causapin,19; Jomel Hamaybay, 21 at Rico Ian Samanero, 26; pawang mga obrero ng Brgy. Tampalon ng lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang motorcycle driver at dalawa nitong backrider makaraang aksidenteng sumalpok sa kasalubong na truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Cabanyohan Crossing sa Brgy. Tampalon, Kabankalan City, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Robin Causapin,19; Jomel Hamaybay, 21 at Rico Ian Samanero, 26; pawang mga obrero ng Brgy. Tampalon ng lungsod.

Sa report ang insidente ay naganap sa kahabaan ng nasabing highway sa nabanggit na lugar noong Sabado  bandang alas-9:40 ng gabi.

Base sa imbestigasyon, kasalukuyang minamaheno ni Samanero ang kaniyang Rusi motorcycle kaangkas sina Causapin at Hamaybay pauwi na sa kanilang tahanan nang aksidenteng sumalpok ito sa kasalubong na truck na minamaneho naman ni Gerardo Makilan III, 40  ng Brgy, Locotan ng nabanggit ding siyudad.

Ayon sa pulisya, kasalukuyang binabaybay ng motorsiklo ng mga biktima ang paibabang bahagi ng bulubunduking highway nang bumangga ito sa kasalubong na truck na paakyat naman na naging mitsa ng malagim na sakuna.

Lumilitaw sa imbestigasyon na pawang nasa impluwensiya umano ng alak ang mga biktima nang mangyari ang insidente. Nagawa pa silang maisugod sa pagamutan pero nabigo nang maisalba ang kanilang buhay.

Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang driver ng truck pero ayon sa ulat ay nakipag-areglo na ang pamilya ng mga biktima.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with