^

Probinsiya

Magpinsan bulagta sa pananambang!

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang dalawang magpinsan sa magkasunod na mga ambush nitong Biyernes at Sabado sa magkakalapit na mga bayan ng Pandag at Buluan sa Maguindanao del Sur.

Unang napatay ng mga armado nitong Biyernes si Lakmudin Uga sa pananambang sa Barangay Kayaga sa Pandag, Maguindanao del Sur.

Sa ulat nitong Lunes ng Pandag Municipal Police Station, magkaangkas sina Uga, ang kanyang kabiyak at anak sa isang motorsiklo ng sila ay pagbabarilin ng mga lalaking nakaabang sa gilid ng kalye sa Barangay Kayaga sa Pandag.

Agad na namatay si Uga sa mga tama ng bala habang sugatan naman ang kanyang misis sanhi ng naturang pananambang, ginagamot na sa isang hospital.

Sunod na napatay ang pinsan ni Uga na si Allan Uga, residente rin ng Pandag, sa ambush nitong Sabado sa sentro ng Buluan, ang kabisera ng Maguindanao del Sur. Hindi na siya umabot nang buhay sa pagamutan matapos isiugod ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.

Lumalabas na sakay si Allan ng tricycle nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki na mabilis na tumakas, ayon sa ulat ng Buluan Municipal Police at ng mga barangay officials sa naturang bayan.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with