^

Probinsiya

Magdyowa timbog sa P.5 milyong shabu buy-bust

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines —  Nalambat ng pulisya ang mag-lover na hinihinalang drug pushers sa inilatag na buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Agustin 3, Dasmariñas City.

Kinilala lang ng pulisya ang mga suspek sa mga alyas na “Rommel” at “Angel”, kapwa nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar at kilalang umanong mga bigtime drug pusher at nasa High Value Individual (HVI) list ng Cavite Police.

Ayon kay Cavite Police Provincial Office Director P/Col. Dwight Alegre, alas-8 ng gabi nang ikasa ng Drug Enforcement Team, Dasmariñas Component City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust laban sa magdyowang suspek.

Dinakma ang dalawa nang makuhanan ng 5 piraso ng selyadong plastic sachet na naglalaman ng shabu na aabot sa timbang na 64.04 gramo at may halagang mahigit sa P500,000.

Narekober rin sa mga suspek ang ilang drug paraphernalia at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

ROMMEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with