Jeep bumangga sa puno: 14 sugatan
INFANTA, Quezon, Philippines — Labing-apat na katao ang nasugatan matapos na maaksidente ang kanilang sinasakyang passenger jeepney nang bumangga ito sa puno sa Brgy. Magsaysay ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.
Ang mga biktima na pawang nagtamo ng mga pinsala sa katawan ay ginagamot ngayon sa Claro M. Recto District Hospital.
Ayon sa imbestigasyon ng Infanta Police, sakay ang mga biktima sa isang pampasaherong jeep na minamaneho ni alyas “Mauro” papuntang Infanta, Quezon para sa isang outing, gayuman, pagsapit sa palusong na bahagi ng daan ay nawalan umano ito ng preno kaya napilitang ibangga ng driver ang jeep sa isang puno.
Mula sa 15 pasahero, 14 ang sugatan, dalawa sa kanila ay nabalian ng buto.
- Latest