Opisyal ng NPA sa Kabikolan sinilbihan ng warrant sa kulungan
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Sinilbihan pa rin ng warrant of arrest ang isang pinakamataas na opisyal ng New People’s Army sa Kabikolan kahit ilang taon ng nakakulong matapos magpalabas ng warrant of arrest ang korte sa kaso nang pagpatay laban sa kanya sa Legazpi City Jail ng lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.
Sa loob mismo ng city jail isinilbi ang warrant of arrest laban kay “Ka Dado”, 62-anyos, residente ng Brgy.Duran, Balatan, Camarines Sur, secretary ng Regional Operations Command ng Bicol Regional Party Committee; tumatayo rin siya bilang kasapi ng Central Party Committee; at deputy head ng NPA National Operations Command.
Sa ulat, pasado alas-2 ng hapon bitbit ang warrant of arrest na inilabas ng Branch 52 ng Sorsogon Regional Trial Court (RTC) laban kay “Ka Dado” dahil sa isa pang kasong murder ay agad nagpunta ang mga kasapi ng Pilar Municipal Police Station sa Legazpi City Jail.
Dito ay tahimik na isinilbi ng awtoridad sa nasabing lider ng komunista ang warrant of arrest laban sa kanya.
- Latest