Top 2 ‘most wanted’ arestado sa Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang 41-anyos na lalaking wanted nang silbihan ng warrant of arrest (WOA) sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).
Sa report kay PCol. Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan Police Station, kinilala ang wanted na si alyas “Arturo”, residente ng Brgy. Graceville ay kabilang sa Top 2 Most Wanted Police (MWP) (City Level).
Ayon sa report, naaresto ang wanted sa bisa ng WOA sa kasong paglabag sa Artikulo II, Seksyon 11 ng Republic Act 9165 na inisyu ng Branch 120, Regional Trial Court, SJDM nitong Abril 16, 2025.
Bukod rito, limang wanted person din ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng mga tracker team ng CIDG, Norzagaray at Plaridel Police sa bisa ng WOA.
Kasalukuyang nasa kostudiya ang mga naarestong wanted sa istasyon at yunit na humuli sa kanila.
- Latest