^

Probinsiya

Ina, 3 anak patay sa sunog sa Bulacan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Ina, 3 anak patay sa sunog sa Bulacan
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), Huwebes ng umaga, may dalawang lalaki na sumi­sigaw ng sunog kaya agad sinira ang gate ng bahay ng mga biktima.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang ina at tatlo nitong anak nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Sta. Maria, Bulacan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), Huwebes ng umaga, may dalawang lalaki na sumi­sigaw ng sunog kaya agad sinira ang gate ng bahay ng mga biktima.

Ayon kay SFO3 Alfredo Hernandez, chief fire investigator ng BFP-Sta. Maria, natagpuan ang sunog na katawan ng 1-taong gulang na batang lalaki sa higaan habang ang dalawa niyang kapatid na nasa edad 3 at 6 ay nakita naman sa banyo na umiiyak at nakulong ng apoy.

Nadala pa umano sa ospital ang mag-iina ­subalit binawian na rin sila ng buhay.

Nabatid na wala umano sa bahay ang padre de pamilya nang mangyari ang insidente dahil pumasok siya sa trabaho sa Batangas.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with