Negosyante timbog sa baril, P370K shabu

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang negosyante sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Mataas na Lupa, bayan ng Indang, dito sa lalawigan.
Kinilala lang ng pulisya ang suspek sa alyas Florgil, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Cavite Police Provincial Police Col Dwight Alegre, alas-10:40 ng gabi ng ilatag ng Indang Intelligence operatives ang buy-bust operation laban sa suspek.
Ilang araw din umanong isinalang ang suspek sa surveillance at nang magpositibo na nagtutulak ng droga ay ikinasa ang operasyon.
Narekober sa suspek ang may mahigit sa 55 gramo ng shabu na aabot sa halagang P374K at 1 unit ng cal 45 pistol Shooters Thunderbolt na may serial number TB10180703. Nakumpiska rin dito ang isang magazine ng cal 45, mga bala, 1 itim na coinpurse at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
- Latest