^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa guro at misis, todas sa shootout!

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Napatay ng mga pulis ang isa sa mga suspect na pumatay sa isang guro at misis nitong buntis na inagawan muna ng motorsiklo bago nila pinagbabaril nitong Miyerkules ng gabi sa Poblacion ng Matalam sa probinsya ng Cotabato.

Naganap ang insidente na nagresulta sa pagkamatay ng suspect na kinilalang si Alex Mamitel Mamad sa Purok Waling-Waling sa Poblacion ng Matalam nitong hapon ng Biyernes.

Aarestuhin na sana ng mga operatiba ng Matalam Municipal Police Station at ng Cotabato Provincial Police Office si Mamad pero pumalag umano siya kaya nagkapalitan ng putok na nagsanhi sa kanyang kamatayan.

Sa pahayag ng mga barangay officials at mga imbestigador ng Matalam police, si Mamad ay isa sa mga umagaw ng motorsiklo ng public high school teacher na si Eliser Sugasta bago nila pinagbabaril, kasama ang kanyang buntis na kabiyak na si Lalaine sa loob ng kanilang computer store sa naturang bayan. Hindi na umabot nang buhay sa hospital ang mag-asawa. 

Si Mamad ay natunton sa kanyang pinagtataguan sa ­pagtutulungan ng local officials at mga kasapi ng Matalam municipal police force. Siya ay matagal nang may kasong frustrated homicide na nakabinbin sa Regional Trial Court Branch 22 sa Cotabato.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with