‘Most wanted’ sa child abuse, natimbog

CAVITE, Philippines — Arestado ang tinaguriang “most wanted person” ng Cavite dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse sa inilatag na warrant operation ng Cavite City Police, kahapon.
Kinilala ni Police Col Jesus Erickson S Polinag, hepe ng Cavite City Police ang suspek na si alyas Paul, nasa hustong gulang, residente ng Barangay 54-A ng nasabing lungsod, Provincial Level Most Wanted Person.
Ayon kay Provincial Director Police Col Dwight Alegre, nagkasa ng warrant operation ang mga operatiba ng Warrant Section ng Cavite City Police Station (lead unit), katuwang ang 401st Regional Mobile Force Battalion ng RMFB 4A, dakong alas-8:30 ng gabi.
Naaresto ang akusado batay sa kasong paglabag sa Section 5(B), Article III ng Republic Act 7610, sa ilalim ng Criminal Case No. 255-2025, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 17, Cavite City.
- Latest