^

Probinsiya

6 bayan sa Quezon, naghalal ng babaeng mayor at bise

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Naghalal ng mga babaeng mayor at vice mayor ang anim na bayan sa Quezon, sa katatapos na midterm election 2025.

Sa bayan ng Agdangan, nanalo si Venchie Aguilar bilang mayor, at si Nadine Sawal bilang bise alkalde, na siya ring kauna-unahang babaeng vice mayor ng bayan.

Sa Alabat, si Ays Avellano-Canimo ang unang babaeng nahalal bilang mayor, habang si Hilda Ursolino ang nanalong vice mayor.

Sa Calauag, parehong babae at parehong incumbent ang nahalal: si Mayor Rosalina Visorde bilang mayor at si Vice Mayor Leah Dela Cruz bilang vice mayor.

Muling nanalo si Mayor Angelique Bosque sa Polilio habang si Ginalyn Flores ang nanalong vice mayor.

Si incumbent Councilor Julie Ann Macasaet naman ang nahalal na mayor ng Real at si incumbent Mayor Bing Diestro-Aquino sa vice mayor.

Na-elect din si Marivic Gayeta bilang mayor, habang si incumbent Councilor Arlene Genove ang bagong bise alkalde sa Sariaya.

Sa Burdeos, si incumbent Vice Mayor Gina Gonzales ang nanalong mayor, habang sa Pagbilao, mananatiling alkalde si Mayor Gigi Portes.

Muli ring inuluklok sa puwesto si Mayor Clara Larita ng Patnanungan, gayundin si Mayor Cha Escalona ng Perez.

Samantala, ilang bayan ang naghalal ng babaeng bise alkalde na kinabibilangan nina incumbent Vice ­Mayor Laica Batariano sa General Luna, Dahlia Manalo sa Jomalig, Keysean Peñamante sa Panukulan, incumbent Vice Mayor Teresita Villeno sa Sampaloc, Kzel Alega sa San Francisco, incumbent Mayor Pobel Uy-Yap sa San Narciso, at Mena Cabutihan sa Unisan.

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with