Kelot binoga habang nagpapahinga,utas

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Apat na bala ang tumapos sa buhay ng isang 35-anyos na binata nang pagbabarilin sa terrace ng kanilang bahay ng hindi nakikilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Purok 1,Barangay Malabanan Norte sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas ‘Joe’ samantalang patuloy pang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng Candelaria MPS upang makilala at madakip ang salarin.
Sa imbestigasyon, bandang alas-7:55 ng gabi ay nakaupo sa terrace ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinaulanan ito ng punglo ng caliber 9MM.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay tumakas patungo sa direksyon ng Candelaria-San Juan road ang suspek.
- Latest