Kagawad, patay sa pamamaril ng kainuman

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang barangay kagawad matapos barilin ng kaniyang kainuman na matagal na niya umanong kaalitan sa Sierra Bullones, Bohol.
Sa ulat, lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa na nagresulta sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Nasapul sa dibdib ang biktima na isinugod pa sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Sumuko naman sa mga otoridad ang suspek matapos tumakas.Isinalaysay ng mga kapitbahay na matagal nang may alitan ang dalawa.
- Latest