Governor Daniel Fernando, naiproklama na bilang gobernador muli ng Bulacan

MANILA, Philippines — Opisyal nang naiproklama ang kasalukuyang Gobernador Daniel Fernando at Bise Gobernador Alexis Castro ng lalawigan ng Bulacan matapos ang kanilang landslide victory sa 2025 midterm elections.
Ayon sa Provincial Board of Canvassers (PBOC) na iprinoklama sina Fernando at Castro sa isinagawang seremonya sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kasunod ng pagtatapos ng canvassing ng mga boto kung saan nakakuha si Fernando ng kabuuang 1,117,893 boto, habang si Castro naman ay nakalikom ng 1,360,020 boto mula sa 20 bayan at apat na lungsod ng Bulacan, batay sa tala noong alas-12:35 ng tanghali kahapon.
Nagpasalamat si Fernando sa mga Bulakenyo, na ngayon ay nakatakdang manungkulan sa kanyang ikatlo at huling termino, sa muling pagtitiwala sa kanya upang pamunuan ang lalawigan sa pinakamataas na posisyon.
Nagpahayag din si Castro, na muling nahalal para sa ikalawang termino, ng kanyang pasasalamat at muling tiniyak ang kanyang dedikasyon sa tapat at makataong paglilingkod.
- Latest