Higit 12K Calabarzon cops bumalik na sa mga unit

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Umabot sa 12,130 police personnel sa Calabarzon ang nakabalik na mula sa kani-kanilang unit at barracks matapos ang isang linggong deployment sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Sinabi ni Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director, ay malugod na tinanggap ang pagbabalik ng lahat ng mga tauhan ng pulisya na nagsilbi sa 2025 na halalan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat, mga botante at mga netizens sa araw ng halalan.
“Maligayang pagdating sa magigiting at masisipag na pulis ng Calabarzon region. Maraming salamat sa inyong serbisyo, Long Live and Snappy Salute!,” sabi ni Lucas sa kanyang pahayag.
Aniya, ang halalan sa rehiyon ng Calabarzon ay kinukunsidera sa pangkalahatan na mapayapa at nananatiling maayos at walang naiulat na hindi kanais-nais na mga insidente.
Ayon naman kay Atty. Owen De Luna, National Police Commission-Calabarzon regional director, na ang isang magandang diskarte at konkretong kumbinasyon ng mga plano ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng Comelec, pulisya, militar, coast guard at iba pang ahensya partikular ang mga indibidual, komunidad at mga botante ay nagbunga ng positibong resulta sa pagkamit ng maayos, ligtas at mapayapang halalan sa rehiyon ng Calabarzon.
- Latest