4 babae, 1 lalaki nanalo sa gubernatorial race sa Calabarzon
MANILA, Philippines — Apat na babae kabilang ang veteran actress na si Vilma Santos-Recto at dating third district Congresswoman at field reporter Sol Aragones na pawang kandidato sa pagka-gobernador ang nagwagi sa Batangas at Laguna matapos na iproklama kahapon ng Provincial Commission on Election Officers.
Nagkamit ng botong 627,234 sa pagka-gobernador si Aragones, habang nanalo naman sa Batangas si Santos-Recto na may botong 670,073. Samantala, ang iba pang nagwagi sa pagka-gobernador ay si Niña Ynares ng Rizal na may botong 882,964;sa Quezon ay si Doktora Helen Tan na may botong 983,320, na pawang naiproklama nitong Martes sa kani-kanilang probinsya.
Iprinoklama na rin ang nag-iisang nagwaging lalaki sa Cavite sa gubernatorial race na si Abeng Remulla na nagkamit ng botong 1,047,818.
- Latest