Misis na tumatawid utas sa suwag ng motorsiklo
MANILA, Philippines — Isang 48-anyos na misis ang nasawi matapos aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa national highway sa Brgy. Tara, Bolinao, Pangasinan, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa pulisya ang biktima na hindi muna pinangalanan ay residente ng naturang lugar, samantalang ang suspek ay isang 25-anyos na lalaki na driver ng Honda ADV motorcycle na aksidenteng nakabangga ay residente naman ng Anda, Pangasinan.
Sa ulat, bumibiyahe papuntang silangan direksyon ang motorsiklo nang bigla umanong tumawid sa kalsada ang biktima na hindi nagawang maiwasan ng driver ng motorsiklo kaya nabangga ito.
Kapwa bumagsak ang motorsiklo at biktima sa kalsada na agad dinala sa ospital dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang parte ng katawan na kung saan ay idineklarang dead-on-arrival ang ginang.
- Latest