^

Probinsiya

Kandidatong konsehal, utol todas sa ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Kandidatong konsehal, utol todas sa ambush!
Sa ulat ng Bayang Municipal Police Station, hindi na umabot ng buhay si Afganie Balt Taha, kandidato sa pagka-municipal councilor sa Bayang, at ang kanyang kapatid na si Walid, barangay chairman sa Sumbag na sakop ng naturang bayan.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang kandidato pagka-konsehal at ang kanyang kapatid na barangay chairman ng tambangan ng mga armado habang patungo sana sa isang polling site sa Barangay Rinabor sa Bayang, Lanao del Sur nitong umaga ng Lunes, May 12, 2025.

Sa ulat ng Bayang Municipal Police Station, hindi na umabot ng buhay si Afganie Balt Taha, kandidato sa pagka-municipal councilor sa Bayang, at ang kanyang kapatid na si Walid, barangay chairman sa Sumbag na sakop ng naturang bayan.

Sa ulat ni Captain Edmundo Nabor, hepe ng pulisya sa Bayang, kay Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, patungo sana sa Mauyag Papandayan National High School ang magkapatid upang bumoto ng sila ay tambangan ng mga armado na mabilis na nakatakas.

Ayon sa mga kamag-anak ng magkapatid na napaslang, may kinalaman sa pulitika ang pagkakapatay sa kanila.

Ang napatay na magkapatid ay mula sa mga malalaki at maimpluwensyang angkan na Maranao.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with