65-anyos lolo tigok habang bumoboto!
OAS, Albay, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang lolo matapos mawalan ng malay sa loob ng polling precinct sa Oas South Central School ng Brgy. Ilaor Sur, sa bayang ito, kahapon ng umaga.
May history umano ng stroke ang biktima na kinilalang si Sen Ren, 65-anyos, residente ng Brgy.Talongog ng naturang bayan.
Sa ulat ng Police Regional Office 5, dakong alas-6 ng umaga katatapos pa lang umanong bomoto si Lolo Nes nang magsabe sa asawa na masama ang kanyang pakiramdam. Ilang sandali nga ay nawalan na ito ng malay-tao.
Mabilis namang sumaklolo ang nakatalagang medical team sa naturang voting center at isinugod sa Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital sa Ligao City ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.
- Latest