Pamilya pinasok habang tulog: 2 patay, 1 sugatan
MANILA, Philippines — Hindi na nagawa pang bumoto para sa midterm election ang dalawang katao matapos silang mapaslang habang isa pa ang sugatan nang pasukin sila at pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin habang mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang tahanan sa Antipolo City, Rizal kahapon ng madaling araw.
Kapwa dead-on-the-spot ang mga biktimang sina alyas ‘Lola Rosa,’ 70- anyos, at alyas ‘Ricky,’ 58, habang sugatan naman si alyas “Isa”, 15-anyos, bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Tinutugis na ng mga awtoridad ang ‘di kilalang salarin na inilarawan lamang na nakasuot ng itim na t-shirt na may puting stripes sa balikat.
Sa ulat ng Antipolo City Police, dakong ala-1:00 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog sa kanilang tahanan ang mga biktimang magkakaanak sa Brgy. San Luis, Antipolo City nang pasukin at pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin.
Nang matiyak na napuruhan ang target, mabilis na tumakas ang salarin.
- Latest