^

Probinsiya

Sasakyan ng news crew sa Nueva Ecija tinirador, hinarass ng ABC prexy

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Philippines — Isang radio-television news crew na nagsisilbing media arm ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija ang umano’y hinaras noong Sabado (Mayo 10) ng hapon habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin sa pangangalap ng balita kaugnay ng halalan.

Kinilala ang mga hinaras umano na ­sina Nueva Ecija TV 48 ­senior reporter Clariza De Guzman, 42, ng Brgy. Bagting, Gabaldon, Nueva Ecija; Ang reporter ng DWNE Teleradyo na si Mylen Ponciano, 41, ng Purok 2, Bgy. Atate, Palayan City; at limang iba pa na kanilang kasamahan na nagtatrabaho bilang cameramen, driver at technician.

Ang umano’y ha­rassment ay nangyari sa isang barangay checkpoint sa Brgy. Pagas, dito, dakong alas-3:32 ng hapon noong Sabado at naireport sa pulisya nina De Guzman at ­Ponciano ng alas-6:30 ng gabi. Sinadya umanong patamaan ng tirador ang sasakyan ng news crew na isang puting Nissan Navara ng isa umanong miyembro ng Barangay Peace-keeping Action Team.

Sinabi ni De Guzman na ire-report na sana nila ang insidente sa Barangay Hall nang duma­ting naman si Barangay Captain at Association of Barangay Captains pre­sident Christopher Lee pero kinompronta umano nito ang news crew tungkol sa insidente.

“Ano ba ang ginagawa ninyo dito? Mga pulis ba kayo? ‘Yung mga ginagawa ninyo sa ibang barangay ay huwag ninyong ginagawa dito. Bakit kayo nagkukuha ng mga video?” sabi umano ni Lee.

Pagkatapos nito, hinampas umano ni Lee ang hood ng sasakyan at puwersahang binuksan ang mga pinto nito at hinanap ang mga video recording device sa loob.

“Huwag ninyo akong tatakutin, wala akong pakialam kung driver ka,” sabi umano ni chairman sa drayber.

Naipit naman sa dalawang sasakyan ang nasabing sasakyan ng news crew at hindi umano makaalis sa lugar.

Agad kinondena ng National Press Club (NPC) ang sinasabing pagha-harass sa mga mamamahayag.

“Mahigpit naming kinokondena ang umano’y harassment laban sa dalawang miyembro ng Nueva Ecija Press Club,” ayon kay NPC President Leonel “Boying” Abasola. “There should be no room for oppression, harassment, and violence in the Fourth Estate. The press is not the enemy—it is the watchdog of democracy,” dagdag nito.

Nagpasalamat naman si Nueva Ecija Press Club President at DWNE senior reporter Gina Magsanoc sa NPC dahil sa agarang pagkondena sa ginawang panliligalig sa mga media practitioner sa Nueva Ecija.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with