^

Probinsiya

2 senior todas, 10 pa sugatan sa stampede!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 senior todas, 10 pa sugatan sa stampede!
Map of Zamboanga City.
Wikimedia

Sa poll watchers payout

MANILA, Philippines — Dalawang senior citizen ang nasawi habang 10 pa ang nasugatan makaraang mauwi sa stampede ang payout ng kampo ng isang kandidato para sa mga poll watchers nito sa Brgy Tumaga, Zamboanga City nitong Sabado kaugnay ng gaganaping eleksiyon ngayon, Lunes.

Sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Police, nagsidagsa ang mga tao para makapasok sa isang hotel kung saan nagaganap ang payout para sa mga poll watchers.

Ang mga nasawi ay isang 80-anyos na babae, taga Brgy. Baliwasan at isang 65-anyos na lolo na mula sa Brgy, San Jose Gusu; pawang sa lungsod.

Sa pahayag ng ilang netizen, inakala ng mga tao na may vote-buying sa lugar at kasama sila sa mabibiyayaan kaya kahit hindi sila poll watchers ay nagsidagsa, nagbalyahan at nagtulakan pa sanhi ng stampede.

Ayon sa pulisya, nagsagawa ng oryentasyon ng mga poll watchers sa Royce Convention Center sa Grand Astoria Hotel sa Brgy. Zone 2 kung saan nagkaroon ng payout sa mga ito at ng kumalat ang report ay sumugod ang mga tao sa lugar sa pag-aakalang kasama sila sa mga mabibiyayaan.

Dahilan sa sobrang siksikan ay naipit, naapakan at nadaganan ang dalawang senior citizen na kapwa dumaing na nahihirapang huminga at hinimatay.

Nagresponde ang emergency teams ng Zamboanga City at isinugod sa Zamboanga City Medical Center ang mga biktima pero dalawa sa kanila ang idineklarang dead-on-arrival dahil sa insidente.

ROYCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with