^

Probinsiya

4 supporters ng mayoral candidate, utas sa engkuwentro!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 supporters ng mayoral candidate, utas sa engkuwentro!
Satellite image shows Basilan.
Google Maps

COTABATO CITY, Philippines  - Agad na namatay sa mga tama ng bala ang apat na supporters ng isang kandidato sa pagka-mayor ng Hadji Mohammad Ajul sa Basilan na nakaengkwentro ng mga armadong tauhan ng karibal na kandidato nitong umaga ng Linggo, May 11, 2025.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Naganap ang madugong barilan, gamit ang mga assault rifles, sa Barangay Langil sa Hadji Mohammad Ajul, ayon sa ulat ng mga miyembro ng Basilan Provincial Peace and Order Council at ng mga opisyal ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Nagdagdag na ng mga tropa sa Hadji Mohammad Ajul ang Basilan Provincial Police Office at ang 101st Infantry Brigade ng Philipine Army upang mapigilan ang anumang paglala ng karahasan sa naturang lugar.

May direktiba na si Police Brig. Gen. Juan Macapaz, director ng PRO-BAR, sa mga opisyal ng Basilan police force na magpadala ng mga emisaryo na mag-papalayo sa mga naglalabang grupo mula barangay kung saan naganap ang madugong insidente.

HADJI MOHAMMAD AJUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with