^

Probinsiya

Road rage nauwi sa barilan: Pulis, 2 sibilyan patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Road rage nauwi sa barilan: Pulis, 2 sibilyan patay!
Sa inisyal na ulat ng Pangasinan Police, ang nasawing biktima ay kinilalang si P/Staff Sgt. Dennis Jali Oria, 33- anyos, isang aktibong kasapi ng Tayug Municipal Police Station (MPS).
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Tatlo katao kabilang ang isang PNP officer ang nasawi matapos na magbarilan ang dalawang armadong grupo dahil sa road rage o away sa kalye matapos naggitgitan ng sasakyan sa Brgy. Samon, Sta. Maria, Pangasinan kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Pangasinan Police, ang nasawing biktima ay kinilalang si P/Staff Sgt. Dennis Jali Oria, 33- anyos, isang aktibong kasapi ng Tayug Municipal Police Station (MPS).

Bandang alas-2:30 ng madaling araw habang pauwi na sa kanilang tahanan ang nasabing pulis lulan ng motorsiklo sa Brgy. San Pablo sa bayan ng Sta Maria nang magkaroon ng putukan sa pagitan ng dalawang armadong grupo ng mga sibilyan sa nabanggit na lugar.

Tinangka ng nasabing pulis na iberipika ang insidente na pansamantalang huminto sa lugar pero maging siya ay pinaputukan ng isa sa mga suspect kung saan minalas siyang masapol ng tama ng bala na kanyang agarang ikinasawi.

Ang dalawang grupo ay nagkaroon umano ng mainitang argumento sa gitgitan sa makipot na kalye ng Brgy. Samon na humantong sa pagbabarilan ng mga ito na ikinasawi rin ng dalawang sibilyan.

Sa follow-up operation ay nasakote naman ang mga suspect kabilang ang isang retiradong miyembro ng Philippine Navy na taga-Asingan, Pangasinan at isa pa na mula naman sa Baliwag, Bulacan. Narekober sa mga ito ang apat na mga armas at ang behikulong ginamit sa insidente ng karahasan.

Agad kinondena ni P/Brig. Gen. Lou Evangelista, director ng Police Regional Office (PRO)1 ang nasabing karahasan at nangakong bibigyan ng hustisya ang kamatayan ng nasabing parak.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with