^

Probinsiya

‘Fake media’ nang-harass ng poll watchers ng VM sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BUSTOS, Bulacan, Philippines —  Nagkalat o naglipana sa lalawigan ng Bulacan partikular sa bayang ito ang mga “fake media” na nangha-harass ng mga kandidato ngayong halalan 2025.

Kamakalawa ng gabi ay pinasok ng anim na armadong kalalakihan na nakasuot ng best jacket at may name tag na Media sa likuran ang headquarters ni Vice Mayor Martin Angeles na reelectionist ng bayan ng Bustos, Bulacan.

Nagpakilalang umanong mga mediamen at taga-Comelec ang anim na lalaki kasama ang isang nagngangalang “Pedro Ramos” na isang retired Police Colonel.

Ayon sa video na kumakalat ngayon sa Facebook, sapilitang pinasok ng grupo ni Ramos ang headquarters ni Angeles at tinakot ang mga watchers nito na nagsasagawa ng seminar sa nasabing lugar. Nagpakilala rin umano silang nasa hanay ng media at may ipinapakita pang pekeng media ID.

Nagpakilala rin umano ang grupo ni Ramos na mga kawani ng COMELEC.

Napag-alaman din na si Ramos ay tauhan umano ni Mayor Arthur Robes at Cong. Rida Robes ng siyudad ng San Jose del Monte at kasalukuyang hepe ng Public Order and Safety Office (POSO) ng San Jose del Monte, Bulacan.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with