9 arestado sa vote-buying sa Bicol
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Siyam katao ang arestado ng mga pulis matapos maaktuhan ng pamimili ng boto sa magkahiwalay na lugar sa mga bayan ng Caramoan at Nabua sa lalawigan ng Camarines Sur.
Sa inilabas na ulat ng Police Regional Office 5 sa pangunguna ni regional director Brig.Gen. Andre Perez Dizon, unang naaresto sa ginawang “anti-vote buying operation” ng mga tauhan ng Caramoan Municipal Police Station sa Zone-5, Brgy. Sta.Cruz, Caramoan ang mga suspek na kinilala sa mga alyas na Oscar, 70-anyos; Noe, 47; at Linda, 56, lahat ng naturang barangay; Junard, 41, Brgy.Pogay, San Jose; Hendrix, 31; at Aldrein, 32,kapwa ng Brgy.Cadong; Lea, 29; at Maryann, 37 ng Brgy.Guijalo ng naturang bayan.
Inireklamo ang walo ng isang concerned citizen sa mga pulis na agad kumilos at naaktuhan ang mga suspek sa pamimili ng boto. Nabawi mula sa kanila ang iba’t ibang denominasyon ng pera na umabot sa P100,650.
Inaresto naman at itinurn-over sa mga kasapi ng Nabua Municipal Police Station ng residenteng si Leslie Dela Tado, 51, ng Zone 4, Brgy.Antipolo Old, Nabua ang suspek sa vote-buying na si Khen, 25, ng Zone-2. Nakuha mula sa kanyang beywang ang walong envelop na may lamang tig-500 piso na umabot lahat sa 4-libong piso. Lahat sila ay sinampahan na ng kaso sa provincial prosecutors office.
Tinutugis na at nakatakdang sampahan ng kaso ang barangay chairman ng Sta. Elena, Iriga City at ilang mga kasama nito dahil sa umano’y pamimili ng boto at harassment na ginawa sa vice-mayoralty candidate at mga kaalyado nito sa naturang lungsod. (=
- Latest