^

Probinsiya

Misis kinatay ni mister saka nagsaksak!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Misis kinatay ni mister saka nagsaksak!
Dead-on-the-spot ang biktimang si Carlota Samiling dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan habang agad na naaresto ang suspek na si ­Ronald Samiling, 30-anyos; kapwa residente ng Barangay Darangan, Binangonan, Rizal.
STAR/File

Dahil sa matinding selos

MANILA, Philippines — Patay ang isang 30-anyos na misis nang pagsasaksakin ng kaniyang asawa na nagsaksak din sa sarili sa Bina­ngonan, Rizal, Biyernes ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Carlota Samiling dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan habang agad na naaresto ang suspek na si ­Ronald Samiling, 30-anyos; kapwa residente ng Barangay Darangan, Binangonan, Rizal.

Sa ulat ng Bina­ngonan Municipal Police, dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang madugong insidente sa kanilang bahay nang magkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa.

Lumalabas na ma­tinding selosan ang ugat ng pag-aaway hanggang sa undayan ng magkakasunod na saksak ng mister ang ginang. Nang makitang naliligo sa dugo at wala nang buhay ang misis, nagtangkang magpakamatay ang mister sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili.

Inabutan pa ng rumes­pondeng tauhan ng Emergency Response Team ng Binangonan Municipal Disaster and Risk Reduction ang suspek na duguan kaya isinugod sa Margarito Duavit Memorial Hospital sa Brgy. Darangan.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with