^

Probinsiya

‘Wanted’ sa Cotabato bus bombing, arestado

John Unson - Pilipino Star Ngayon
‘Wanted’ sa Cotabato bus bombing, arestado
Ang “wanted” na si Tasludin Kuda Saligan matapos madakip ng awtoridad sa General SK Pendatun, Maguindanao del Sur dahil sa pambobomba umano sa isang pampasaherong bus sa Tulunan, Cotabato noong Enero 27, 2021.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Naaresto ng mga pulis nitong Lunes ang isang miyembro ng teroristang grupo na “wanted” sa pambobomba ng isang pampasaherong bus sa Tulunan, Cotabato noong Enero 27, 2021, at sa iba pang mga high-profile criminal cases.

Kinumpirma nitong Miyerkules ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na nakakulong na si Tasludin Kuda Saligan, nasukol ng mga operatiba ng iba’t ibang units ng PRO-BAR at mga kasapi ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Badak sa General SK Pendatun, Maguindanao del Sur.

Ayon sa mga local executives sa Maguindanao del Sur, si Saligan ay miyembro ng dalawang ngayon ay mahina ng mga magkasanib na Dawlah Islamiya at Al-Khobar terror groups na itinuturong responsable sa mga serye ng pambobomba sa Central Mindanao mula 2014.

Si Saligan may kinakaharap na mga kasong multiple murder, multiple frustrated murder, robbery at extortion sa iba’t-ibang mga korte sa Central Mindanao, kabilang na ang kanyang pagkakasangkot, bilang isa sa mga masterminds sa pambobomba noong 2021 ng isang unit ng Yellow Bus Company sa Tulunan, Cotabato na nagresulta sa pagkasugat ng maraming mga pasahero at pagkasawi ng tatlong iba pa.

Ayon kay Macapaz, natunton si Saligan sa General SK Pendatun ng mga magkasanib na mga operatiba ng PRO-BAR, Maguindanao del Sur Provincial Police Office at CIDG Field Unit sa Bangsamoro region sa tulong ng mga local officials at mga Muslim religious leaders na suportado ang mga anti-terror operations ng pulisya sa Central Mindanao.

Kusang loob na nagpa-aresto si Saligan nang masukol ng mga awtoridad sa public market ng Gen. SK Pendatun, at pakitaan ng mga warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 15 ng Shariff Aguak sa Maguindanao del Sur at sa RTC Branch 23 ng Kidapawan City.

COTABATO

TULUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with