Solar-powered irrigation system binuksan sa Sariaya, Quezon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang ribbon cutting sa Turnover Ceremony ng P50-million Castañas Centro Communal Irrigation System Solar Pump Irrigation Project na makapagpapatubig sa 50 ektaryang sakahan sa Sariaya, Quezon kahapon.
Sinamahan si Romualdez nina NIA Administrator Eduardo Eddie Guillen, NIA Calabarzon Regional Manager Engr. Roberto Dela Cruz, mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan at iba pang mga tanggapan ng gobyerno.
Inaasahang sa tulong ng Solar-Powered Irrigation System ay makakatipid ng hanggang P80,000 ang mga magsasaka bawat cropping season sa tulong ng bagong teknolohiya at mabibigyang benepisyo ang 33 magsasaka gayundin ang kanilang buong komunidad.
Kabilang sa mga programa ng NIA ang pagpapatayo ng Solar-Powered Irrigation System na layong pababain ang gastos sa kurudo o diesel ng mga magsasaka at kanila pang magamit ang kita sa iba pang mga pangangailangan. Bukod dito, nais din ng proyekto na bigyang sapat na suplay ng tubig ang magsasaka sa kabila ng nagbabagong panahon dulot ng climate change.
- Latest