^

Probinsiya

Ex-mayor na kandidatong VM, pinagbabaril

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Sugatan ang dating mayor ng Plaridel, Quezon matapos na pagbabarilin sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, kahapon ng madaling araw.

Base sa ulat sa Que­zon Police Provincial Office (QPPO), kinilala ang biktima na si Wilfredo Magbuhos, Jr., may-asawa at ngayon ay kumakandidato bilang bise-alkalde sa bayan ng Plaridel para sa May 12 elections.

Sa pagsisiyasat ng Lucena Police, ala-1:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente malapit sa tanggapan ng PrimeWater sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Galing umano sa Que­zon Cockpit Arena sina Magbuhos at nagbaba ng kasamahan nito sa naturang lugar nang lapitan umano siya ng suspek at agad siyang tinutukan ng baril habang pilit na inaagaw ang kanyang bag. Dito tangkang pumalag ang biktima pero pinagbabaril siya ng suspek.

Sa kabila ng tinamong tama ng bala sa kanyang hita at bisig dahil sa pagputok ng baril ay nagawa pa ni Magbuhos na patakbuhin ang kanyang sasakyan papunta sa ospital dahilan upang makaladkad ng ilang metro ang suspek pero nagawang makatakbo.

Kasakuluyang nasa hindi tinukoy na ospital ang biktima habang pinaghahanap pa ang tumakas na salarin .

Inaalam na ng pulisya kung may bahid pulitika ang pamamaril sa biktima o isang insidente ng holdap.

QUEZON

PLARIDEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with