^

Probinsiya

2 todas sa ambush, 16-anyos sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay sa mga tama ng bala ang dalawang magsasaka ng tambangan ng mga armadong kalalakihan habang patungo sa kanilang mga sakahan sa Barangay Tunganon sa Carmen, Cotabato nitong Martes ng umaga.

Kinumpirma nitong Miyerkules ng mga opisyal ng Carmen Municipal Police Station at ni Col. Gilberto Tuzon, Cotabato provincial police director, ang pagkamatay sa natu­rang insidente nila Landro Anayan Garcia, 50-anyos, at ng 24-anyos na si Ryan Capilitan Cabuylo.

Sugatan sa naturang ambush ang 16-anyos na lalaking kasama ng kasama ng mga napaslang na sina Garcia at Cabuylo.

Armado ng M16 at M14 assault rifles ang mga nag-ambush sa mga biktima na wala namang mga dalang armas, ayon sa mga local government officials at mga imbestigador ng Carmen MPS.

Mabilis na nakatakas ang mga salarin, matapos na makitang napuruhan ang mga target sa ambush, ayon sa mga barangay officials ng Tunganon.

COTABATO

CARMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with