11-anyos ginahasa, ginilitan ng tiyuhin!

MANILA, Philippines — Brutal ang sinapit ng isang batang babae nang gilitan sa leeg matapos halayin ng mismong live-in partner ng kaniyang tiyahin sa Brgy. Matilo, Nabunturan, Davao de Oro, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Ang biktima na kinilalang si Angel Ramirez, 11-anyos ay natagpuang patay na nakabalot ng duguang kumot nitong Lunes sa loob ng kaniyang kuwarto.
Sa inisyal na ulat ng Davao de Oro Police, ang biktimang ay ginilitan sa leeg, may mga galos at sugat sa katawan habang duguan din ang kama, dingding at sahig sa crime scene nang abutan ng mga awtoridad.
Inaresto naman ng mga awtoridad ang suspect na tinukoy lamang sa pangalang “Erwin”, obrero, 27-anyos at live-in partner ng tiyahin ng dalagita.
Ayon sa pulisya ang bangkay ng dalagita ay nadiskubre ng isang miyembro ng kanilang pamilya ng pumasok ito sa silid ng biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon, malakas ang indikasyon na inatake ang biktima sa loob ng kanyang silid at inabusong sekswal dahil duguan ang ari nito.
Agad na naglunsad ng hot pursuit operation ang mga awtoridad at nasakote ang suspect dakong alas-12:20 ng madaling araw sa transient resident ng mga manggagawa sa nasabing bayan.
- Latest