^

Probinsiya

Wanted sa ‘rape’ at iba pa, arestado

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Wanted sa ‘rape’ at iba pa, arestado
Kinumpirma nitong Martes ng mga opisyal ng Police Regional Office-9 at Zamboanga Sibugay Provincial Police Office ang pagkakaaresto sa suspect ng mga pulis sa Purok Saging sa Barangay Tenan sa Ipil, Zamboanga Sibugay.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

COTABATO CITY, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking taga-Ipil, Zamboanga Sibugay na matagal nang wanted sa mga kasong panggagahasa, malakihang pagbebenta ng shabu, illegal possession of firearms at pagkanlong ng mga kapwa niyang may mga pananagutan sa batas.

Kinumpirma nitong Martes ng mga opisyal ng Police Regional Office-9 at Zamboanga Sibugay Provincial Police Office ang pagkakaaresto sa suspect ng mga pulis sa Purok Saging sa Barangay Tenan sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ang suspect ay may kinakaharap na mga kasong rape, malakihang pagbebenta ng shabu at iba pang mga asuntong nakabinbin sa iba’t ibang mga korte, ayon sa mga local executives sa Zamboanga Sibugay. 

Sa ulat ni Police Brig. Gen Roel Rodolfo, director ng PRO-9 natunton ng kanilang mga operatiba sa Barangay Tenan ang suspect sa tulong ng mga local officials sa Ipil, ang kabisera ng Zamboanga Sibugay.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with