^

Probinsiya

Rider niratrat ng tandem, todas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Rider niratrat ng tandem, todas
Tumilapon pa sa kaniyang minamanehong motorsiklo ang biktima na kinilala sa alyas “Dennis”, nasa hustong gulang nang pagbabarilin ng mga suspek. Hindi naman nakilala ang mga suspek na magkaangkas sa scooter type na motorsiklo at  kapwa naka-helmet at jacket.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang bumabagtas sa kahabaan ng Tirona Highway sa Brgy. Habay 1, Bacoor City, kamakalawa ng gabi .

Tumilapon pa sa kaniyang minamanehong motorsiklo ang biktima na kinilala sa alyas “Dennis”, nasa hustong gulang nang pagbabarilin ng mga suspek. Hindi naman nakilala ang mga suspek na magkaangkas sa scooter type na motorsiklo at  kapwa naka-helmet at jacket.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:10 ng gabi ng maganap ang insidente. Minamaneho ng biktima ang kaniyang Suzuki Burgman na kulay puti at may plate number D376KQ at bumabagtas sa nasabing lugar ng sabayan ito ng mga suspek na makaangkas sa Scooter type na motor.

Nang makatiyempo, dito na pinagbabaril ang rider ng mga suspek bago tuluyang tumakas.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with