^

Probinsiya

Albay Governor Lagman tuluyang sinibak dahil sa ‘jueteng’

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kababalik pa lang sa kanyang opisina sa kapitolyo ng Albay noong nakaraang Abril 21 mula sa anim na buwang pagkakasuspinde ng Ombudsman, isang panibagong desisyon ang inilabas ng anti-graft court na nag-uutos na tuluyang i-dismiss sa posisyon si Governor Edcel “Grex” Lagman matapos mapatunayang “guilty” sa kasong “grave misconduct” dahil sa pagtanggap ng payola mula sa ilegal na sugal na “jueteng” noong siya pa ang  bise-gobernador sa lalawigan.

Sa desisyon ng Office of the Ombudsman noong Enero 28, 2025 na inilabas lang nitong nakalipas na linggo, bagama’t na-dismiss ang kasong dishonesty at neglect of duty dahil sa kakulangan ng ebidensya ay “guilty” naman si Lagman sa grave misconduct na isinampa ni dating Brgy. Chairman Alwin Nimo, ng Anislag, Daraga, Albay na isang self-confessed jueteng bagman.

Sinabi ng Ombudsman na si Nimo at ang dalawa pang testigo na sina Jeff Mangalinao at Dexter Maceda ay nakapagtatakang biglang nagbawi ng kanilang testimonya noong nakaraang mga buwan subalit hindi nila puwedeng i-dismiss ang kasong grave misconduct laban kay Lagman dahil sa detalyadong testimonya ng tatlo at sa naipong mga deposits slips sa bank account ng ­gobernador na matibay na ebidensya.

Si Mangalinao at Maceda umano ay nagsilbing tagahatid ng lingguhang payolang P60-libo simula 2019 hanggang Hunyo, 2022 noong bise gobernador pa siya bilang proteksyon upang hindi paimbestigahan sa Sangguniang Panlalawigan ang jueteng sa Albay. Ipinadeposito umano ng dating gobernador ang umano’y payola sa kanyang bank account na umabot lahat sa P8.1-milyong sa kabuuan.

“Edcel Greco Alejandre Burce Lagman is found guilty of grave misconduct and is meted the penalty of dismissal from the service and all its accessory penalties,” ayon sa Ombdusman.

Dahil dito, tuluyan na ring naupo bilang full fledged governor ng Albay si Vice Governor Glenda Ong Bongao.

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with