Pangasinan, susunod na ‘top tourist haven’ ng bansa - Guico
MANILA, Philippines — Hindi malayong maging isa sa mga pangunahing tourist destinations ng Pilipinas ang lalawigan ng Pangasinan dahil na rin sa kabi-kabilang imprastraktura na naisagawa at kasalukuyang isinasagawa pa ng administrasyon ni Governor Ramon ‘Mon-mon’ Guico III.
Isa rito ay ang 42.76-kilometer (Phase 1 Binalonan-Lingayen) Pangasinan Link Expressway (PLEX) na naging napakamahalagang proyekto ng administrasyong Guico at siyang magdurugtong sa mga pangunahing lugar sa probinsya at mga karatig-lugar nito kung saan magiging malaking kabawasan sa oras ng pag-byahe kapag ito ay naging bukas na sa publiko.
“Sadyang eto naman ang ating pangarap, ang maging isang pangunahing tourist destination ng bansa ang ating mahal na probinsya at hindi malayong mangyayari ito dahil patuloy ang ating pagpapatayo ng maraming pasilidad upang mas lalong dayuhin ang ating lalawigan kasama na ang mga banyagang turista,” ani Guico tumatakbo para sa ikalawang termino sa May 12, 2025 elections.
Aniya, kahit sa maikling panahon o kulang pa sa tatlong taon ay kanya nang naipatayo ang maraming imprastraktura at proyektong pagpapaunlad dahil na rin sa solidong suporta ng mga mamamayan kasama ang mga opisyales sa mga lungsod, munisipalidad at barangay sa buong lalawigan.
Nauna nang naisagawa ng administrasyong Guico ang pag-convert ng makasaysayang Casa Real bilang isang malaking museo ang Ba?aan (Tagpuan) Provincial Museum; pagpapatayo ng multi-level parking sa Manaoag, Bolinao Airport at pinakamalaking Reflecting Pool and Interactive Fountain sa Lingayen; pagpapaganda at pangangalaga sa Malico, ang summer capital ng lalawigan; pag-develop ng isang malaking eco park sa bayan ng Bugallon; paggamit ng tinatawag na seaplanes sa mas mabilis na pagbyahe mula sa Manila patungo ng probinsya; at ang Laoac Dairy Farm.
Base sa rekord ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), nasa 8,685,980 na day tourists ang dumagsa sa lalawigan nitong nakaraang taon kumpara sa bilang na 5,597,867 noong 2022.
- Latest