^

Probinsiya

Mag-asawa todas sa ambush sa Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa todas sa ambush sa Rizal
Kapwa dead-on-the-spot ang mga biktimang sina alyas ‘Roger’ at ‘Mercy’ bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas naman at tugis na ng mga awtoridad ang mga ‘di kilalang salarin sa krimen.
FIle

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa ang patay nang tambangan ng ‘di pa kilalang mga ­salarin habang magkaangkas na lulan ng kanilang motorsiklo sa Teresa, Rizal kamakalawa.

Kapwa dead-on-the-spot ang mga biktimang sina alyas ‘Roger’ at ‘Mercy’ bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas naman at tugis na ng mga awtoridad ang mga ‘di kilalang salarin sa krimen.

Sa ulat ng Teresa Municipal Police, dakong alas-8:40 ng umaga nang maganap ang krimen sa Roman Roxas Road, Brgy. May Iba, sa Teresa.

Lulan ng motorsiklo ang mga biktima at binabagtas ang naturang ­lugar patungong bayan ng Teresa, at nang pagsapit sa Roman Roxas Road sa Brgy. May Iba ay bigla na lang silang pagbabarilin ng mga nakaabang na suspek.

Nang matiyak na napuruhan ang mga ­biktima, mabilis na ­nagsitakas ang mga suspek.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with