^

Probinsiya

Ginagawang ospital sa Quezon, nakatiwangwang!

Pilipino Star Ngayon
Ginagawang ospital sa Quezon, nakatiwangwang!
Ang ginagawang Lucena General Hospital na iniwang nakatiwangwang sa lalawigan ng Quezon.

MANILA, Philippines — Iniwang nakatiwangwang ang ipinatatayong malaking ospital sa lalawigan ng Quezon na inaasahan ng mga ­Quezonian na ­magbubukas nitong 2024 na ipinangako para sa kanilang serbisyong medikal.

Sa post sa social ­media ng Quezon Pro­vince News and Updates, pinuna ng mga netizens na sana ay inayos muna at pinaganda ang serbisyo ng Quezon Memorial Center o QMC noong 2021 na nanlilimahid sa dumi, kulang sa mga ­doktor, nurses at espesya­lista, ­maraming kulang na pasilidad, ­kulang sa bed capacity at ginawa pang tambakan ng basura ang basement, bago nagpatayo ng panibagong ospital na ngayo’y nakatengga. 

Puna pa ng netizens, illegal na pinagawa ni ­Quezon 2nd District Cong­ressman David “JayJay” Suarez ang mga gusali ng kanyang panukalang Lucena ­General Hospital na ngayo’y nakatengga sa isang agricultural land sa Brgy. Mayao Parada, Lucena City, na kasama sa Network of Protected Areas for Agricultural and Agro-industrial Deve­lopment (NPAAAD) at Strategic Agriculture and ­Fisheries Development Zone (SAFDZ) sa ilalim ng Republic Act No. 8435 o ang Agriculture and ­Fisheries Modernization Act. 

Ang nasabing lupain ay isang “Prime Agricultural Land” na may mataas na produksyon ng palay dahil sa sapat na irigasyong napatayo sa pamamagitan ng pondo ng pamahalaan kaya ang proyektong ito ay tahasang paglabag umano sa RA 8435. 

Bukod pa rito, marami pa rin aniyang paglabag si Suarez nang simulang ipatayo ito noong 2021 sapagkat walang anumang konsultasyon at koordinansyong naganap sa DOH at sa iba pang kinauukulan, wala ring ­“Permit to Construct” mula sa DOH, walang Hospital Development Plan at higit sa lahat walang anumang ­ordinansa o batas na nagtatakda ng upang matatag ang ­Lucena ­General Hospital. 

Nabatid na ang lupang pinagtayuan ng ospital ay parte lamang ng ­malawak na lupaing ­sakahan ng Unisan Farms sa Brgy. Mayao Parada na ­dinonate umano sa gob­yerno. Ang Unisan Farms ay isang family corporation na pag-aari umano ng mga Suarez. 

HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with