^

Probinsiya

6 ‘gangster’ sa Calabarzon sumuko, 1 pa timbog

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
6 ‘gangster’ sa Calabarzon sumuko, 1 pa timbog
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Sumuko ang anim na hinihinalang gangster na sangkot sa serye ng mga kriminal na aktibidad habang arestado ang isa pa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Calabarzon sa pinaigting na kampanya sa rehiyon laban sa mga kriminal na grupo sa Cavite at Batangas, noong Biyernes.

Kinilala ni Lt. Col. Mark Jason Gatdula, CIDG-Cavite Provincial Field Unit head, ang sumuko na sina alyas “Busa”, alyas “Ponga”, alyas “Evoy”, alyas “Jaypee”, pawang miyembro ng “Javier Criminal Group”.

Ayon kay Gatdula, sangkot ang grupong Javier sa mga gun-for-hire activities, iligal na droga at pagpatay habang ang pinuno ng grupong Javier na kinilalang si alyas “Jong” na umano’y suspek sa serye ng mga pagpatay sa Cavite, ay nananatiling nakalalaya at tinutugis ng CIDG-Cavite tracker team. Dalawang iba pang sumuko ay kinilalang sina alyas “De Villa at “Lozande”, kapwa kaanib ng “Platon Criminal Group.”

Ang kapatid ni Busa na si alyas “Ed” ay arestado sa kanyang tirahan sa Dasmariñas City, Cavite.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Busa ang walang lisensyang .45 caliber pistol at mga bala.

Binanggit ni Col. Geovanny Sibalo, CIDG-Calabarzon regional director, na ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng regional operation sa ilalim ng Oplan Pagtugis laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at paglabag sa batas upang matiyak ang kapayapaan at kaligtasan sa rehiyon.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with