^

Probinsiya

7 patay sa madugong engkuwentro sa Negros!

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pitong rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang kumander at tatlong amasona ang napaslang matapos ang madugong sagupaan sa pagitan ng tropa ng militar at ng komunistang grupo sa Brgy. Tapi, Kabankalan City, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Ayon kay Col. ­Erwin Rommel Lamzon, spokesperson ng 3rd Infantry Division (ID) ng Philippine Army, nakaengkuwentro ng tropa ng 47th, 11th at 15th Infantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebelde mula sa nalalabing ­puwersa ng Komiteng Rehiyon ng NCBS (Negros, Cebu, Bohol at Siquijor) West Front.

Naganap ang unang bakbakan alas-5:35 ng umaga sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at ng mga armadong rebelde na naghahasik ng terorismo sa mga residente sa lugar. 

Sinabi ni Lamzon na tinugis ng mga sundalo ang nagpulasang mga rebelde kaya nasundan ang bakbakan sa isang lupang sakahan sa Brgy, Tapi ng nasabing lungsod.

Sa kasagsagan ng sagupaan, pitong rebelde ang napaslang na kinabibilangan ng ­tatlong babae at apat na lalaki ­kasama ang isang alyas “Ka Pungkol” na putol ang kanang braso at sinasabing commander ng NPA sa rehiyon.

Ayon sa opisyal, walang nasugatan o nasawi sa hanay ng tropang gobyerno sa engkuwentro.

Narekober sa lugar ng bakbakan ang limang M16 rifles at isang M203 grenade launcher.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with