^

Probinsiya

Robredo, hinimok taga-Naga na iboto si Abalos

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni dating Vice President  Leni Rob­redo ang kanyang buong suporta sa kandidatura sa pagaka-senador ni dating DILG Secretary Benhur Abalos Jr. at hinikayat ang kanyang mga kapwa Nagueño na iboto ang dating alkalde ng Mandaluyong, na aniya’y matagal nang tahimik na tumutulong sa lungsod.

“Matagal na po natin siyang kaibigan, naging Mayor siya ng Mandaluyong ng matagal na panahon, naging DILG Secretary po siya—isang napakagaling na DILG Secretary—at naging MMDA Chairman. ­Ngayon ay tumatakbo siyang ­senador,” ani Robredo sa salitang Bicolano.

Ginawa ni Robredo ang pag-eendorso noong ika-23 ng Abril—araw ng kanyang kaarawan—nang dumalaw si Abalos sa kanya sa lungsod.

Parehong nagsilbi si Abalos at ang yumaong asawa ni Robredo na si Jesse Robredo—isang Ramon ­Magsaysay Awardee—bilang mga alkalde at naging ­kalihim ng Department of the Interior and Local ­Government (DILG).

Kinilala rin ni Robredo ang naging pagtulong ni Abalos sa Naga sa mga panahon ng sakuna. “Tahimik lang po ‘yung pagpunta niya dito pero lagi siyang tumutulong,” sabi pa niya sa Bicolano.

Noong nakaraang ­buwan, bumisita si ­Robredo sa Mandaluyong Cemetery of Life, isang pampublikong proyekto na pinangunahan ni Abalos.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with