^

Probinsiya

‘Akyat-Bahay’ todas sa off-duty cop!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Akyat-Bahay’ todas sa off-duty cop!
Sa report ng Police Regional Office (PRO) 3, nangyari ang insidente nitong Biyernes dakong alas-3:45 ng madaling araw.
FIle

MANILA, Philippines — Patay ang isang pinaghihinalaang mi­yembro ng Akyat-Bahay gang matapos pagbabarilin ng isang off-duty na parak matapos namang mahuli sa akto na pinagnakawan ang kanilang kapitbahay sa Brgy. Malino, Mexico, Pampanga, ayon sa ulat nitong Sabado.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 3, nangyari ang insidente nitong Biyernes dakong alas-3:45 ng madaling araw.

Ayon sa imbestigas­yon, nasaksihan ng ama ni Patrolman Rey Lemuel Zabat, 29-anyos ang suspect na puwersahang pinasok ang tahanan ng kanilang kapitbahay.

Agad namang ipinabatid ng ama ni Zabat sa anak na parak ang nakasaksi at kahit naka-off-duty ay mabilis na nagresponde.

Inabutan umano ni Zabat ang suspect habang papatakas bitbit ang dalawang cellphone na ninakaw nito sa kanilang kapitbahay. Nang komprontahin ni Zabat ang nasabing suspect ay tinangka nitong bumunot ng baril pero naunahan ito ng nasabing pulis na agad pinaputukan sa tiyan ang suspect .

Ang suspect ay agad na bumulagta at dead-on-the-spot sa nasabing insidente. Kasalukuyan na ring inaalam ng mga awtoridad kung saang grupo ng mga kriminal konektado ang suspect.

Inihayag naman ni PRO 3 Director P/Brig. Gen. Fajardo ang commitment ng kapulisan sa kaniyang hurisdiksyon para sa kaligtasan ng kanilang mga mamamayan.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with