Tserman na kandidatong mayor, running mate inambus

COTABATO CITY, Philippines — Isang barangay chairman na mula sa kilalang Moro clan na kandidato sa magpaka-mayor ng bagong Bangsamoro town sa Cotabato province at kanyang running mate ang tinambangan ng isang armadong grupo nitong Biyernes sa bayan ng Nabalawag.
Ayon sa senior officials ng Cotabato Provincial Police Office at Army’s 34th Infantry Battalion kahapon, lulan ang grupo ni Datu Esmael Tayuan ng Toyota Innova at Ford Raptor pic-kup truck at patungo sa isang lugar, nang sila ay atakihin ng mga armadong kalalakihan na nakaposisyon sa gilid ng kalsada sa Barangay Damatulan, Nabalawag.
Si Tayuan, na chairman ng Barangay Damatulan, ay kandidato sa pagkaalkalde ng Nabalawag, isa sa walong bayan ng Bangsamoro sa Cotabato province sa Region 12, na nabuo ng nakaraang taon ng 80-seat Bangsamoro parliament.
Kasama ni Tayuan sa convoy sina vice mayoral candidate Sadrudin Guimelon Batang na pawang nakaligtas sa nasabing pag-atake.
Bigla umanong nagpulasan ang armadong grupo nang mapansin nilang paparating ang mga rumespondeng mga barangay tanod at community leaders sa nasabing lugar.
- Latest